Diskriminasyon: Paano ito masolusyunan?

 

Image by: https://www.apa.org/topics/racism-bias-discrimination/types-stress

    Simula noon pa lang, lumalaganap na ang diskriminasyon. Binully at inalipin ang mga POCs o 'Person of Color'. Binubully at pinagsasalitaan ng masakit ang LGBTQ community at ang mga body shape ng mga tao. Hanggang ngayon, mas malinaw ang mga diskriminasyong nangyayari sa iba't ibang parte ng mundo. Mas naging malinaw ito ngayong pandemya. Sa ibang bansa, nilalait at sinisira ang mga negosyo ng mga Asian dahil sabi nila, "Nagdadala ng COVID". Ang hindi makakalimutang pangyayari ng mga tao ay ang nangyayari sa mga Black. Nang pinatay si George Floyd, nagkaroon ng protesta para malabanan ang police brutality at diskriminasyon, kaya natatag ang movement na 'Black Lives Matter'.

Image by: https://www.natcom.org/advocacy-public-engagement/nca-anti-racism-resource-bank

    Ang dami-dami ng problema ng mundo at dumagdag pa ang diskriminasyon. Parang naging pandemya na rin ang diskriminasyon kung saan lahat ng tao apektado. Bilang kabataan, anu-ano ba ang mga paraan na pwede kong magawa upang malabanan ito? Kailangan rin ba na sumali ako sa mga protesta para lang marinig ang tinig ko? Sa tingin ko, hindi na kailangan. Ang daming paraan, tulad ng pagiging parte ng mga organisasyon na ang layunin ay mahinto ang diskriminasyon.

Image by: https://www.solid-ground.org/our-impact/race-social-justice/

    Sa pamamagitan ng pagsali ng mga organisasyon o programa na ang layunin ay mahinto ang diskriminasyon, maaari nating maipahiwatig ang ating panindigan sa paghinto nito. Kasama ng ibang miyembro, magtutulungan tayo sa paggawa ng mga programa para maprotektahan ang mga taong dinidiskrimina.

Image from: https://news.fiu.edu/2020/minority-males-face-depression-and-anxiety-from-ethnic-discrimination-on-social-media


    Ikalawang paraan ay ang pag-'raise awareness'. Ang social media ay naging isang paraan na upang maipahiwatig natin ang ating mga opinyon. Sa pamamagitan nito, pwede tayong mag-'raise awareness' para sa anti-discrimination. Sa kaso ng Black Lives Matter, ang mga tao na nasa social media ay nagbabahagi ng mga links kung saan pwede makatulong ang iba. Nagbabahagi rin sila sa kung ano ang nangyayari upang mas magkamalay ang mga tao sa problema. Malaking tulong ito dahil umaabot ito sa iba't ibang parte ng mundo.

Image from: https://www.lyfemarketing.com/blog/what-is-a-blog-website/

    Pangatlong paraan ay ang pagsusulat ng sanaysay. Ang pagsusulat ng sanaysay sa isang blog ay isang paraan upang mahiwatig natin ang opinyon natin ukol sa diskriminasyon. Kagaya ng ginagawa ko ngayon, pwede nating ilista ang paraan upang masolusyunan ito. Pwede rin nating ilista kung anu-ano ang movements o programa na pwede nating bigyan ng kontribusyon. Makakatulong rin ito sa atin dahil sa ating pagsasaliksik malalaman rin natin ang iba't ibang layunin ng mga programang ito.

Image from: https://www.ef.com/wwen/blog/efacademyblog/bringing-home-open-mind/

    Pinakahuli, pagbukas sa ating kaisipan. Ito siguro ang isa sa pinakamahalagang paraan upang mahinto ang diskriminasyon. Kung hindi ninyo abot ang nauunang tatlong paraan, pwede niyo itong gawin. Ang pagiging bukas sa mga pangyayari at karanasan ng mga biktima ng diskriminasyon ang mahalaga. Ang mga taong ito ay nangangailangan ng tulong. Dahil dinidiskrimina sila, nawawalan sila ng tiwala sa sarili at ang isang paraan upang maibalik ito ay ang pakikinig sa kanilang saloobin. Maliit man ito na gawain, malaking pagbabago ang resulta nito. Mula rin dito ay pwede nating mas maangat pa ang awareness ukol sa diskriminasyon.

    Ang isyung ito ay masyadong malaki para masolusyunan agad-agad. Ngunit kung gagawin natin ang ating makakaya hakbang-hakbang, siguradong mas marami pang tao ang mamumulat at tutulong sa paghinto nito. Ang dapat lang tandaan ng lahat ay ang kasabihang ito,

Image by: https://www.pinterest.com.au/pin/772859986031613126/



Comments