Ang Kakanyahan ng Family Day

          Image may contain: 5 people, including Rachel Masapequeña Azcuna, people smiling, people standing and outdoor 



     "Pahalagahan mo ang pamilyang meron ka dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay nariyan sila." Ang pamilya ay palaging nan diyan kapag kailangan mo ng tulong, suporta at panghihikayat. Sila ang palaging nagpapasaya at nagpapagaan ng mga araw mo. Pag wala sila, parang bawat sandali ay mapurol. 


     Ngunit paano nga talaga kung nawala sila? Walang ama't ina, walang mga kapatid. Kung iisipin pa lang napakalungkot na pangyayari iyon. Kaya, paano ba natin namnamin ang mga sandali na mayroon tayo kasama sila?

     Isa na ang Family Day sa mga sandaling pwede nating gamitin upang makasama natin ang ating pamilya. Sa Family Day, may sayawan, saganang hapunan, mga masasayang palaro at siyempre nakakagiliw na mga ngiti. 

     Importante para sa akin ang diwa ng Araw ng Magkapamilya dahil ako mismo gusto kong magkaroon ng masayang oras kasama sila. Para sa akin, ang Family Day ay nagbibigay sa akin ng espesyal at hindi malilimutan na mga alaala kasama ang aking pamilya. Dito, nararamdaman ko kung gaano sila ka importante sa ating buhay. Dito, nararamdaman ko kung gaano kasaya ang aking damdamin kapag sila ang nasa aking tabi. Sa araw na ito, kaya kong ipakita kung sino ako dahil sa kanila. Kinaya ko na kalimutan lahat ng aking problema dahil nilupig ang aking mabigat na damdamin ng pagmamahal na mula sa kanila.

     Marami pang mga bagay ang gusto kong mangyari sa Family Day. Ngunit, naniniwala ako na bawat oras pwedeng maging Family Day. Kahit malayo sila sa akin, maiisip ko lang sila, magiging magaan na ang aking loob. Araw-araw ay Family Day basta ang damdaming ating ibinabahagi, hindi lang sa ating pamilya kundi na rin sa ating mga kaklase, guro at lahat ng tao, ay pagmamahal at kasiyahan.

Comments