3Cs: Choice, Chance, Change

Image source: https://www.positivityblog.com/friendship-quotes/

     Walang tiyak na kahulugan and pagkakaibigan. Pwede itong isang taong malapit sayo, isang taong kapareho mo ng gusto. Ngunit, para sa akin, ang kahulugan ni Ed Cunningham ang pinakatiyak sa lahat. Sa panahon ngayon, mahirap ng mahanap ang kaibigan na nag-aalala sayo at palaging nagtatanong sa iyong kalagayan. Isang kaibigan na nirerespeto ang mga gusto at hindi gusto. Isang kaibigan na sinusuportahan ka sa iyong desisyon at hinahadlangan ang iyong mga masamang gawain. 

     Mahirap nga ang maghanap ngunit meron naman tayong katulong ang 3Cs. Ito ay nangangahulugang Choice, Chance at Change. Makakatulong ito upang matiyak natin ang tong gusto nating kaibiganin o ang kaibigang gusto nating pasalamatan. Narito ang mga taong gusto kong maging kaibigan:

     1. Choice: LORNA FLORITA
           Siya ang napili kong tao na gusto kong maging kaibigan panghabang-buhay. Sa aming pagkakaibigan, palagi siyang nag-aalala sa aking kalagayan. Ako nama'y masasandalan niya sa kaniyang mga problema. Binibigyan ko rin siya ng mga payo kung papaano niya malulutasan ang mga problemang iyon. Kung isa sa amin ang nangangailangan ng lakas ng loob, inaaliw namin ang isa't isa. Ganito ang uri ng pagkakaibigan na gusto ko habang buhay.

     2. Chance: SHARRA CANADA
          Siya ang taong gusto kong maging kaibigan kahit panandalian lamang. Marami na siyang natulungan. Dahil isa siyang guro, marami siyang batang natulungan sa kanilang pag-aaral, kasama na riyan ang aking kapatid. Siya rin ay isang guro sa TLE at ang kaniyang mga proyekto ay ukol sa paggawa ng mga bagay upang maibigay ng mga estudyante niya sa iba. Isa siyang mabait at magalang na tao. Kapag may pinapagawa sa kaniya ang aking lola ay hindi siya umaayaw o nagrereklamo. Tinutulungan rin niya ako ng walang pagdadalawang-isip sa aking pag-aaral.

     3. Change: REGINALD ABELLANOSA
          Siya ang taong gusto kong pasalamatan dahil binago niya ang aking buhay. Noon, palagi akong nag-iisip ng negatibo. Iniisip ko na kailangan kong maabot ang inaasahan ng mga tao. Natataranta ako sa mga opinyon ng mga tao sa akin. Ngunit siya ang taong nagpamulat sa akin na ang lahat ng aking iniisip ay hindi hinuhulma kung sino talaga ako. Sabi niya na hindi ko kailangang maabot ang inaasahan ng tao dahil sa huli hindi naman ako ang magiging masaya. Sabi niya kailangan kong sundin kung anong gusto ko upang mas magiging madali at masaya ang buhay. Kaya, siya ang taong gusto kong pasalamatan.

     Nahanap ko na ang mga taong gusto kong maging kaibigan. Sana mahanap niyo na rin sila. Napagtanto ko rin na importante talaga sila sa atin. Dahil sa kanila, may masasandalan tayo. Nagkakaroon tayo ng aliw sa ating buhay. Kaya sana ay makita na ng lahat ng tao ang kaibigang para sa kanila. 


Comments