Healthcare for Everyone

 

Image source: https://rewirenewsgroup.com/article/2019/01/31/democrats-are-laying-the-groundwork-for-universal-health-care-coverage/

May malapit ba na botika o clinic sa inyo? Madali lang ba kayong makapunta sa inyong mga check-up? O kung may emergency man madali lang ba ang pagtawag sa mga ospital? Mabuti kung madali dahil may pagkakataon pang maagapan. Ngunit hindi lang naman tayo ang tao sa mundo. Tayo, nakakakuha ng access sa mga serbisyong pangkalusugan, ngunit sila na malayo sa siyudad, mahirap makahanap ng doctor o botika, ni wala ngang signal para makatawag ng ambulansya. Paano nalang sila? Diba dapat may gawin ang ating gobyerno para doon? Ito ay naging isang patuloy na pinag-uusapan. Ang bawat indibidwal ay dapat magkaroon ng access sa mga serbisyong pangkalusugan. Kaya, ito ang dahilan kung bakit ako sumasang-ayon na ang healthcare ay dapat unibersal. Hindi ba sa tingin mo mas mabuti na lahat tayo ay pantay-pantay sa pagkakaroon ng mga serbisyong  pangkalusugan? Sa palagay ko, ito ang pinakamahusay na paraan.

Image source: https://www.healthaffairs.org/do/10.1377/hblog20170725.061210/full/

            May tatlong punto o dahilan akong ilalahad sa inyo kung bakit ako sumasang-ayon. Una, dahil nito mas bumababa ang presyo ng bilihing gamot o mga check-up at hospital fees ninyo. Pangalawa, pantay-pantay ang mga serbisyong ibinibigay ng mga pasilidad at ang mga tao nito. At pangatlo, lahat ng tao ay magiging malusog. Hayaan niyo akong ilahad ito sa inyo at baka mamulat ko inyong kaisipan at mga mata sa mga posibilidad na maaaring mangyari.

            Sa ating bansa naipatupad na ang Universal Heathcare Law. Ngunit sa palagay ko, hindi ito epektibo. Marami paring tao ang walang access sa mga serbisyo. Dapat isaalang-alang ng gobyerno na kung paiigtingin nila ang batas na iyan, mas magkakaroon ng mababang presyo sa mga serbisyo. Kinokontrol ng gobyerno ang gastos sa mga serbisyo at regulasyon nito. Sila ang magpapatupad ng abot-kayang mga gastos sa pangangalagang pangkalusugan para ma-access ng lahat. Ang resulta nito, makikinaban ang dalawang partido. Hindi malulugi ang mamamayan dahil abot kaya lang ang mga serbisyo habang ang mga pasilidad naman hindi rin sila malulugi dahil mas maraming tao ang pupunta sa kanila. Gayunpaman, kung financial stability ng dalawang partido ang pag-uusapan, sa palagay ko parehas tayong nanalo, hindi ba?

            Dahil pareho na tayong nanalo sa finance, punta naman tayo sa pantay-pantay na serbisyo. Ito ay isang napaka-karaniwang kaso na ang mga pasilidad ay madalas na inuuna ang may kaya o ang mga mayayaman. Favoritism, ganon? Akala ko ba ang layunin ng bawat pasilidad ay magbigay ng pantay na pangangalaga ng kalusugan sa lahat ng nangangailangan. Eh, bat ngayon parang may paunahan na? Sa pangkalahatang pangangalaga ng kalusugan, ang mga pasilidad ay hindi aabusuhin ang kahinaan ng mga mahihirap. Lahat ng tao ay makakakuha ng sapat na serbisyo para sa kanilang kalusugan at ang workforce rin ng mga pasilidad ay mas mapapatibay pa at mas mapapahaba pa ang buhay ng mga pasyente.

            At ang pinakaimportanteng layunin sa lahat ay ang lahat ng tao ay magiging malusog. Sa pamamagitan ng universal healthcare, lahat maseserbisyohan at lahat abot kaya ang pangangailangan. At ang resulta nito? Malusog na mamamayan ng isang bansa.

Image source: http://www.t8nmagazine.com/universal-health-care/

        Oo, marami ring kawalan ang universal healthcare kagaya ng hindi kayang bilhin ng gobyerno ang mga teknolohiya na magpapabuti pa ng serbisyo. Ngunit, maaari nating gawin ang bare minimum. Hakbang-hakbang sa pag-abot sa ating mga layunin para sa pangangalagang pangkalusugan. Isa sa mga kadahilanan na ang isang bansa ay nanatili pa rin ay dahil sa mga mamamayan nito. Ngayon, kung ang mga tao ng isang bansa ay mabibigo sa kanilang kalusugan, ang bansa ay mabibigo din. Kaya napakaimportante nito. Ito dapat ang una nating hingin sa gobyerno. Ika nga sabi nila, “Health is wealth.” Nangangahulugan ito na “Healthy people, wealthy country.”



References:

          Masterclass. (2020, November 8). Learn About Universal Health Care: Definition, Advantages and Disadvantages. Retrieved from https://www.masterclass.com/articles/what-is-universal-health-care#what-are-the-advantages-of-universal-health-care

Universal Health Care in Different Countries, Pros and Cons of Each. (n.d.). thebalance. Retrieved from https://www.thebalance.com/universal-health-care-4156211

Comments

Post a Comment