Halaga ng Buhay

Image from: behance.net
It’s not about who you are today, it’s about who you want to become, and the price you’re willing to pay to get there. The day that you’re willing to pay any price, you’ll achieve what you want to achieve.

- Tom Bilyeu

    Marami sa atin ang binabalewala ang halaga ng buhay. Iba sa atin ay parang wala lang kung sinasabing walang silbi ang kanilang buhay. Iba nga ay kinukuha nila ito ng tuluyan. Ngunit, ang gusto kong malaman ng lahat ay ang bawat isa sa atin ay nabubuhay dahil may purpose tayo sa mundo at iyan ang isa sa katotohanan na ating nakakalimutan.

Image from: ellduclos.blog

    Nagbigay aking guro ng isang video tungkol sa pagkakaroon ng purpose at pagkatapos ay sasagutan namin ang mga tanong at doon napagtanto ko kung gaano kahalaga aking buhay. Narito ang mga sagot ko:

1. Para sa iyo ano ang kahalagahan ng buhay?
    
    
Image from: alphavariable.com

Napakaimportante ng buhay. Hindi man natin ito mabigyan pansin ngayon ngunit darating rin tayo diyan. Para sa akin, mahalaga ang buhay dahil ito ang ating susi upang magawa ating mga gusto, upang malaman natin ang ating purpose sa mundo. Kung walang buhay, walang kasaya-saya ang mundo, walang kasigla-sigla. Narito tayo sa mundo upang matamasa at mapahalagahan natin ang ibinagay ng Diyos sa atin, kaya nandiyan ang buhay upang maging susi sa paggawa nito.

2. Ano kaya ang iyong purpose sa mundong ito?

Image from: adrianarenee.com

        Hindi ko pa nahanap ang totoong purpose ko sa mundon ito. Ngunit, kung magbabanggit ako ng isa ay iyon ay ang pagtulong sa aking pamilya at kapwa. Nagiging emosyonal ako sa tuwing napapanood ko ang mga taong naghihirap at nangangailangan ng tulong. Kaya, dahil dito, pangarap ko na baling araw, matutulungan ko sila. Ang buhay ko ay puno ng pribilehiyo at dahil dito, nais kong bigyan sila ng buhay na karapat-dapat sa kanila, at ‘yon ay maging masaya. Gusto kong makakita ng mga ngiting abot langit at gagawin ko lahat para makita ko iyon.

3.     3. Para kanino ka nabubuhay?

     Nabubuhay ako para sa aking pamilya at sarili. Tinuturuan ako ng aking inay na magpasalamat sa lahat ng bagay meron ako kasi maraming mga tao ang wala nito. Binibigyan ako ng aking mga magulang ng kahit anong kailangan at gusto, kaya isa sa mga nag-uudyok sa akin na mabuhay at magsikap ay ang aking mga magulang. Gusto ko sana, balang araw, na maibalik lahat ng kanilang pagsasakripisyo para sa amin. Gusto ko ako naman ang magbigay sa kanila ng mga bagay na kanilang gusto at gusto ko silang makitang masaya habang buhay.

Image from: bossbabechronicleblog.com

    Isa pang nag-uudyok sa akin para mabuhay ay ang aking sarili at aking mga pangarap. Naniniwala ako na narito ako para sa isang dahilan o purpose at hinid ko pa alam kung ano yon. Gusto kong abutin ang aking mga ‘life goals’. Gusto kong matupad ang mga pangarap ko na makatulong sa pamilya ko at makatulong sa aking kapwa. Nabubuhay ako dahil alam kong makakamit ko ang aking mga pangarap at alam ko na balang araw, ako ay magiging “Best Version of Myself”. 

    Doon ko napagtanto kung gaano kahalaga aking buhay. Dapat nating tandaan na lahat tayo may purpose at karapat-dapat na mabuhay kaya simulan na nating hanapin ang purpose na ito at sigurado akong magdadala ito ng panghabang buhay na kasiyahan.

Comments