I Had a Dream by Kelly Clarkson

 


P.S        "Lighting fires with our words, instead of useless smoke that blurs"

    Ito ang napili kong linya dahil ang kahulugan ay nakakaantig sa puso. Nangangahulugan ito na sa halip na magbigay ng poot na sumasakit sa ibang tao, bakit hindi natin ibigay ang pagmamahal at inspirasyon gamit ating mga salita. Ang mga salita ay ang karaniwang gumuguho sa isip at damdamin ng isang tao. Mga simpleng parirala tulad ng, "Pangit ka. Hindi ka maganda. Hindi ka nararapat dito.", ay maaaring makaapekto sa isipan ng isang tao nang napakasama. Maaari nating sabihin ito nang pabiro, ngunit hindi natin alam, na pala sinasaktan natin sila at pinagdududahan na rin nila ang kanilang sarili.

    Sa halip na gawin ito, bakit hindi natin hikayatin at sabihin sa ibang tao na sapat sila, sabihin sa kanila na mahal sila at sinusuportahan ng milyun-milyon. Sila ay mahalaga, tayong lahat ay mahalaga. Palagi nating tinatanong kung kailan natin maaabot ang kapayapaan sa mundo, ngunit narito tayo sinisira natin ang kapayapaan ng ibang tao. Upang makamit natin ang kapayapaan, dapat itong magsimula sa atin, mahalin ang ating sarili, ating mga pagkukulang, pagkatapos ay magbigay ng pagmamahal at positibong kaisipan sa lahat. Sa palagay ko, balang araw, makakamit natin ang kapayapaan na ating gusto. Ika nga, "Let's light everyone with our words, instead of blowing smoke that blurs."

Community Verified icon

Comments