Sampung Utos ng Kabataan

     Mayroon tayong sampung utos ng Diyos. Ito ay nagsisilbing gabay upang ang buhay natin ay nasa tamang landas. Sa tingin ko, tayong kabataan ay dapat mayroon din. Para maging isang mabuti tayong mamamayan, sa tingin ko'y, dapat may kautusan rin tayong sinusunod. Ang listahan sa ibaba ay ang mga utos na sa tingin ko ay importanteng sundan upang ang mga kabataan ay maging isang mabuting mamamayan.



Ang sampung utos ng kabataan upang maging isang mabuting mamamayan:

1. Maging ikaw - Importante ito dahil kapag ikaw ay totoo sa iyong sarili mas madali nalang ang pakikihalubilo sa mga tao. Hindi mo kailangang magpanggap. Dahil rin dito, mas madali ka rin pagkakatiwalaan ng kapwa mo.

2. Maging mabait - Pinakaimportante sa lahat. Kahit ano man ang estilo ng ating buhay, lahat ay dapat mabait sa isa't isa. Bigayan at pagmamahal lang ang sagot diyan. Ika nga, "Do unto others what you want done unto you"

3. Huwag sumuko - Kapag ikaw ay may hangarin para sa lipunan importanteng hindi ka susuko. Maraming tao ang sumasandal sa iyo kaya kapag ikaw ay sumuko, mawawalan na rin ng pag-asa ang iba na gumawa sa kanilang responsibilidad.

4. R.E.S.P.E.T.O - Iba iba ang ating pananaw sa lipunan. Importante lang na irespeto ang pananaw ng iba. Dapat hindi humantong sa awayan. Kapag may respeto, mas madali ang proseso.

5. Matuto ng matuto - Ika nga, "Never stop learning" at "Experience is the best teacher". Mula sa ating naranasan, mahalaga na bukas tayo sa mga bagong kaalaman. "Learn, learn, learn. Explore, explore, explore."

6. Marunong tumanggap - Meron talagang pagkakataon na tayo ay mabibigo sa ating mga gagawin. Ngunit kung marunong tayong tumanggap ng kabiguan, mas magiging madali sa atin ang makabangon at magsimula ulit.

7. Magpatawad at kalimutan - "Forgive and forget". Meron talagang hindi pagkakaunawaan, pero kung mas lumala ito, mas malaking problema ang haharapin. Huwag na huwag tayong magkaroon ng sama ng loob sa ating kapwa, pareho lang tayong may problema. Sa halip, magtulungan nalang tayo.

8. Umunawa ng opinyon - Lahat nga tayo may sariling opinyon. Ang mas madaling gawin ay respetuhin at pakinggan ang opinyon ng iba. Pagkatapos, pagsamahin lahat at siguradong maganda ang kalalabasan.

9. Alamin ang responsibilidad - Lahat tayo may "purpose". Ilaan natin ang ating buhay sa paghahanap nito. Lahat tayo may responsibilidad at tungkulin sa lipunan. Ilaan natin ang atin oras sa pagtupad nito.

10. Mahalin ang bansa - Hindi lang ang bansa pati na ang mga Pilipino dahil sa pagmamahal kaya nating gawin ang lahat.


    Sa tingin ko'y marami pang utos ang pwede nating sundan pero ang nasa ibabaw ay mahalaga sa akin bilang isang kabataan. Ikaw, ano ang iyong sampung utos?


Comments